National ID System, panahon na para ipatupad sa Pilipinas – ayon kay Sen. Lacson

Manila, Philippines – Para kay committee on public order and dangerous drugs chairman Senator Panfilo “Ping” Lacson panahon na para ipatupad sa pilipinas ang national ID syatem na umiiral na sa halos lahat ng bansa.

Ito ang nakikitang solusyon ni Lacson sa nga reports na gumagamit ng pekeng mga ID ang mga miyembro ng maute terror group para mahirapan ang mga otoridad na sila ay makilala.

Ayon kay Lacson, magiging pabor sa lahat ang pagkakaroon ng national ID na magagamit sa lahat ng transaksyon.


Diin ni Lacson, hindi malalabag ang privacy ng sinuman dahil basic information lang naman ang lalamamin ng national ID system.

Diin ni Lacson, ang mga komokontra lang sa nabanggit na mga sistema ay yaong mga kriminal o may ginagawang paglabag sa batas dahil madali silang makikilala.
Ayon kay Lacson, hihikayatin niya si committee on justice chairman senator Richard Gordon na magsagawa na ng pagdinig hinggil sa nabanggit na panukala upang umusad na ito at maipasa.

Facebook Comments