National ID system, siguradong pakikinabangan at ikakatuwa ng mamamayang Pilipino

 

Tiwala si Senator Panfilo Ping Lacson na mapapakinabangan at ikakatuwa ng mamamayang Pilipino ang National ID system na nakatakdang ipatupad simula Setyembre.

 

Iginiit ni Lacson na pangunahing layunin ng batas na mapag-ibayo ang serbisyo sa publiko ng gobyerno at hindi para maghanap ng mapaparusahan.

 

Paliwanag ni Lacson, dahil sa National ID system ay mapapadali at mapapabilis ang pakikipagtransaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan at sa mga pribadong tanggapan.


 

Nakakasiguro si Lacson na magiging malaking tulong ang National ID system sa pang-araw araw na aktibidad ng bawat isa.

Facebook Comments