Kasabay ng paggunita ngayong araw ng National Police Remembrance Day ay nag alay ng bulaklak at kinilala ang mga pulis na nasawi dahil sa paggampan ng kanilang tungkulin.
Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang nasabing aktibidad sa Bantayog ng mga bayaning tagapamayapa sa PNP Headquarters.
Dumalo rin sa naturang aktibidad si Richard Sison, ang acting Australian Ambassador to the Philippines at Detective Supt. Andrew Perkins, Australian Federal Police Senior Officer to the Philippines.
Ayon kay PNP Chief Azurin, ngayong araw ay binibigyang pagkilala ang mga tinaguriang unsung o fallen heroes na nagbuwis ng kanilang buhay magampanan lamang ang kanilang tungkulin.
Mababatid na kada taon ginugunita ang National Police Remembrance Day upang alalahanin ang mga pulis na nagbigay ng ultimate sacrifice o ang kanilang buhay para mapaglingkuran ang bansa.