Transwomen Criminal Group, nabuwag ng PNP

79

Hawak na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 8 miyembro ng isang criminal gang na binubuo halos ng transwomen.

Ayon kay CIDG Director Police Brigadier Gen. Ronald Lee, nag-umpisa ang modus ng grupo noon pang 2018 kung saan target ng mga ito ay 40 taong gulang pataas na mga lalaking foreign nationals.

Sinabi pa ni Gen. Lee na magaganda ang mga suspek kung kaya’t marami silang nabibiktima.


Aniya, kapag kumagat na ang biktima sa kanilang patibong, makikipagkita ang mga suspek at dito sila kikidnapin kapalit ng pera para sa kanilang kalayaan.

Sa pagsisiyasat pa ng mga awtoridad, ginagamit ng mga transwomen ang perang kanilang nakukuha mula sa kanilang mga nabibiktima bilang pangretoke.

Sa ngayon, 14 na ang nabibiktima ng mga ito kung saan sa pamamagitan ng pinakahuli nilang biktima na si Michael Lee na isang Taiwanese national ay nagawang mahuli ng mga awtoridad ang mga suspek.



Kasunod nito, umaapela ang Philippine National Police (PNP) sa 6 na iba pa na sumuko na bago pa man sila mahuli ng mga awtoridad.

Facebook Comments