National Price Monitoring ng DTI Isabela, Ilalarga na sa Lunes!

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang magsagawa ng National Price Monitoring ang Department of Trade and Industry Isabela nitong darating na araw ng Lunes, September 10, 2018 particular sa mga pampublikong pamilihan sa Lalawigan ng Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginoong Serafin Umuquit ng Trade and Industry Development Specialist ng DTI Isabela na sisimulan nila ang kanilang price monitoring sa public market ng Lungsod ng Ilagan upang matiyak kung nasa tamang presyo ang mga ibinebentang pangunahing bilihin dito.

Aniya, kada taon na umanong isinasagawa ng DTI ang Price Monitoring sa mga nagbebenta ng basic Commodities o mga pangunahing bilihin.


Layunin rin umano nito na makita kung sapat pa ang mga supply sa mga pamilihan dito sa ating bansa.

Nilinaw rin ni ginoong Umuquit na wala umanong kaakibat sa pagtaas ng inflation rate sa bansa ang kanilang isinasagawang price monitoring bagkus ay ginagawa lamang umano nila ang kanilang responsibilidad upang tiyakin ang na nasa tamang presyo ang mga bilihin.

Facebook Comments