Manila, Philippines – Isasapubliko na ng Office of the National Security Adviser ang National Security Policy na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, ang National Security Plan ay ang susunding panuntunan ng pamahalaan para mabigyangsolusyon ang armed conflicts at lawless violence na naka-angkla sa tatlong batayan.
Una aniya ay ang economic reality dahil ang paglago ng ekonomiya ng bansa ay direktang naka sandal sa national security.
Pangalawa aniya ang pagbuo ng isang ASEAN Economic Community na magbibigay pangangailangan para sa mamamayan na paghandaan ang mga pagsubok at pagdevelop ng kinakailangang kapabilidad at kagamitan para sa regional integration.
Pangatlo aniya ay ang pagtingin sa national security sa konteksto ng global community habang isinusulong ang independent foreign policy ng administrasyon.
Binigyang diin ni Esperon na isusulong ng pamahalaan ang pagpapatupad ng National Security Policy nang hindi isinasakripisyo ang kultura at values na ipinagmamalaki ng mga Pilipino.
DZXL558