Idineklara na ni Spain Prime Minister Pedro Sanchez ang National State of Emergency matapos na pumalo sa higit isang milyon ang naitalang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Bukod dito, ipinatupad na rin ng gobyerno ng Spain ang curfew mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-6:00 at ipinag-utos ang travel ban sa bawat rehiyon.
Inihayag din ng health officials ng Spain na kasalukuyan silang tinatamaan ng second wave ng COVID-19 kaya’t kinakailangan nilang maghigpit lalo na’t umaabot na sa 35,000 ang namamatay.
Sinabi pa ni Sanchez na tatagal ang ibinaba niyang kautusan ng hanggang anim na buwan upang makontrol nila ang pagkalat ng virus.
Facebook Comments