National wage law, kailangang pag-aralan ng mabuti ayon sa isang opisyal ng DOLE sa Central Visayas region

Cebu, Philippines -Naniniwala ang isang opisyal ng Department of Labor and Employment sa Central Visayas region na kailangan munang pag-aralan nang mabuti ang planong maitakda ang isang standard minimum wage sa bansa.

Ayun kay DOLE-7 Regional Director Elias Cayanong, isa sa dapat isaalang-alang dito ay ang sitwasyon sa ekonomiya sa bawat rehiyon.

Reaksiyon ito ni Cayanong matapos ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang layunin nito na maipasa ng Kongreso ang “National Minimum Wage Law” at tanggalin ang batas na nag-uutos sa mga regional wage boards sa pagtatakda ng minimum wage sa bawat rehiyon.


DZXL558

Facebook Comments