Nationwide job fair, ikakasa ng DOLE sa May 1

Maglulunsad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng nationwide job fair sa Mayo a-uno, Labor Day.

Ayon sa DOLE, ikakasa ang lahat ng mga aktibidad sa 16 na lugar sa bansa kung saan magsisilbing main job fair site ang National Capital Region.

Bukod sa trabaho, may alok din na serbisyo sa mga manggagawa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Professional Regulation Commission (PRC), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Statistics Authority (PSA), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR), Social Security System (SSS), Pag-IBIG, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Postal Corporation.


Nakipag-partner din ang DOLE sa DTI at sa Department of Agriculture para sa pagtatayo ng “Kadiwa ng Pangulo” na layong mag-alok ng mga murang bilihin para sa mga manggagawa.

Pangungunahan din ng kagawaran ang payout ng sweldo sa mga benepisyaryo ng TUPAD Program, Special Program for Employment of Students (SPES) at Government Internship Program (GIP).

Facebook Comments