NDRRMC, naka-blue alert dahil sa Tropical Depression “Amang”

Bilang paghahanda sa Tropical Depression (TD) Amang, naka-Blue Alert na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Operations Center.

Ayon kay Office of Civil Defense Spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro, posible pang itaas sa Red Alert depende sa magiging sitwasyon at epekto ng Tropical Depression Amang.

Magsasagawa aniya ng Pre-Disaster Risk Assessment ang NDRRMC upang matukoy kung anong alert status ang paiiralin sa mga apektadong lalawigan.


Ihahanda na rin aniya ng DSWD at mga LGU ang mga relief good para sa mabilis na distribusyon kung kakailanganin.

Sa ngayon, patuloy ang pagmo-monitor ng NDRRMC sa weather bulletin na inilalabas ng PAGASA.

Kaninang umaga nasa layong 475 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes ang TD Amang.

Facebook Comments