Nationwide Transport Strike, muling babala ng ACTO

40

Muling nagbanta ng Nationwide Transport Strike ang grupong Alliance of Concerned Transport Organizations o ACTO.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa PUV Modernization Program.


Ayon kay ACTO National President Efren De Luna, ginagawa na kasi itong investment scam ng isang korporasyon.

Kinukwestyon nila ang paniningil ng Yellow Dot Transport ng 250,000 Pesos para magkaroon ng modernong jeep.

Pinagpapaliwanag din nila ang Dept. of Transportation (DOTr) hinggil dito.

Ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC), hindi awtorisado ang Yellow Dot na mangalap ng investments mula sa publiko.

Facebook Comments

From Advertisers