Nat’l Vision Screening Program Act, pinirmahan na ni PRRD

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magtatatag ng programa para matukoy agad ang eye disorders sa kindergarten pupils at pondohan ang pananaliksik sa mga sakit sa mata.

Ito ay ang Republic Act 11358 o National Vision Screening Program (NVSP).

Ang Department of Education (DepEd), katuwang ang Department of Health (DOH) at Philippine Eye Research Institute (PERI) ay magpapatupad ng vision screening program kung saan magkakaroon ng charts na may symbols o numbers, occludes at transparent response key.


Bubuo rin ng database sa resulta ng mga test at magde-develop ng system para sa referral at corrective measures para sa kindergarten pupils na posibleng may eye ailment.

Itatatag din ang Vision Screening Continuing Research Fund (VSCF) na popondohan mula sa mga donasyon ng DepEd at DOH.

Facebook Comments