Pagbabalik ng tiwala ng publiko sa mga bakuna, ikinakampanya na ng DOH

Isinulong ng Department of Health (DOH) ang kampanya para maibalik ang tiwala ng publiko sa pagpapabakuna.

Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Francia Laxamana – hindi masama ang bakuna dahil mabuti ito hindi lamang sa mga bata kundi sa lahat ng mga Pilipino.

Layon ng hakbang ng ahensya na tiyakin sa publiko na ligtas sa mga tao ang mga programa ng DOH.


Matatandaan na nagresulta sa takot ang paggamit ng Dengvaxia noong 2018 dahil sa pagkasawi ng mga batang nabakunahan.

Facebook Comments