Natanggap na, or nakadownload na sa 14 Local Government Units (LGUs) ang EMERGENCY SHELTER ASSISTANCE mula sa DSWD Region 5. Ito ay ayon sa pahayag ni Regional Director Arnel Garcia. Ang 14 LGUs ay ang sumusunod:
1. Baao
2. Bato
3. Bombom
4. Buhi
5. Cabusao
6. Camaligan
7. Canaman
8. Goa
9. Lagunoy
10. Libmanan – Downloaded to LGU Province- because SB did not authorize the mayor to receive the fund.
11. Milaor
12. Pamplona
13. San Jose
14. Tinambac
Samantala, ang ESA para sa iba pang nalalabing munisipyo sa Camarines Sur ay may tseke na rin at nakahanda na ring i-release, maliban na lamang sa bayan ng Presentacion. Pinag-uusapan pa ng LGU Presentacion at DSWD 5 ang angkop na sistema para maipamahagi ang ESA para sa mga biktima ng bagyong nina noong nakaraang December 2016.
Nang tanungin tungkol sa distribution ng nasabing pundo sa mga recepients nito, sinabi ni Garcia na LGU sa pamamagitan ng MSWDO ang nararapat magpatupad nito.
Samantala para sa Naga City, nilinaw ni Garcia na nakahanda na ring i-download ang fund ng ESA para sa mga naapektuhan ng bagyong nina.
Subalit nilinaw ni Garcia na sa kabuuang 27 barangays ng Naga City, 21 lamang ang mabibigyan ng ESA. Anim (6) ang hindi kabilang.
Sa panayam ni RadyoMaN Ed Ventura at RadyoMaN Grace Inocentes sa programang DWNX Doble Pasada ipinaghayag ni Garcia na:
“…Yong mga nahuli ang report, ang submission, yon ang problema. Yong mga natulog sa pansitan yong barangay, yon ang problema. Iri-request pa natin, kung may pera pa, eh di meron. Kung wala, lessons learned yan. Kasi kailangan ko magsubmit ng report sa DBM, may cut-off, kaya hindi pwedeng hintayin ang lahat. Yong may report (on time) lang ang isinubmit sa DBM….”
Kaya sa Naga City, 21 Barangays ang kabilang, may 6 na barangay ang hindi kabilang sa fund na ready for download na sa LGU Naga City. Ang 6 na barangay na hindi kabilang ay:
1. Cararayan
2. Concepcion Pequeña
3. Del Rosario
4. Igualdad
5. Mabulo
6. Pacol
photocredit:kodaoproductions