NATUPOK | Sala-salabat na linya ng kuryente, dahilan ng sunog sa E. Rodriguez, Quezon City

Manila, Philippines – Isang sunog ang sumiklab kagabi sa residential area sa E. Rodriguez, Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas ikatlong alarma ang sunog na nagsimula dakong alas-7:20 ng gabi na tumagal ng isang oras bago naapula bandang alas 8:21 ng gabi.
Wala namang nasaktan sa insidente pero aabot sa sampung pamilya ang nawalan ng tirahan sa Barangay Doña Josefa malapit sa Welcome Rotonda.
Pawang gawa sa light material at luma na ang istraktura kaya mabilis na kumalat ang apoy sa limang unit ng two storey apartment kung saan tinatayang nasa P75,000 ang halaga ng mga ari-ariang naabo.

Itinuturo namang dahilan ang sala-salabat na linya ng kuryente.

Facebook Comments