Manila, Philippines – Naungkat sa pagsalang ni Associate Justice Samuel Martires sa panel interview ng Judicial and Bar Council ang hinggil sa kanyang pagtatanong kay Atty. Maria Lourdes Sereno sa naging oral arguments sa Baguio City hinggil sa Sereno quo warranto case.
Nilinaw ni Martires sa JBC na hindi niya intensyon na ipahiya si Sereno nang ungkatin niya sa oral arguments ang isyu sa sinasabing mental illness ng napatalsik na Chief Justice.
Sa katunayan aniya, idenedepensa pa niya noon si Sereno sa isyu ng psychiatric exam results nito.
Sinabi pa ni Martires na hindi gawain ang mangpahiya lalo na sa babae.
Kaugnay nito, humingi ng dispensa kay Sereno si Martires.
Si Justice Martires ay kabilang sa sumalang sa public interview ng JBC gayundin ang iba pang aspirante sa Ombudsman post.
Kasunod ito ng nakatakdang pagreretiro ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa susunod na buwan.
Ang pag-upo ni Martires sa Ombudsman ay mahigpit na tinututulan ng grupo ng mga pari, pastors at evangelical teachers.