Navotas LGU, hinihikayat ang mga residente nito na makibahagi sa Hanap Buhay Caravan bukas

Navotas City – Nagpaalala ang Navotas LGU na bukas na (September 19), isasagawa ang Hanap Buhay Caravan sa barangay Tangos, Navotas City simula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.

Bukod sa job fair, magkakaroon rin ng skill training, negosyo seminars at One Stop Shop na kabibilangan ng SSS, ALS, Maynilad at Meralco Application, at issuance ng NSO Birth certificate.

Ayon sa Navotas LGU, samantalahin na ang pagkakataong makahanap ng trabaho lalo’t ilang buwan na lamang ay Pasko na.


Facebook Comments