Navotas – Iginagalang ng Lokal na pamahalaan ng Navotas ang naging desisyon ng Korte Suprema, matapos nitong ideklarang unconstitutional ang Curfew Hour para sa mga kabataan sa lungsod.
Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, sa tulong ng sangguniang panlunsod, bubuo na lamang sila ng panibagong ordinansa alinsunod sa nasabing desiyon ng Supreme Court, bilang determinado sila sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga residente sa Navotas.
Matatandaang sa desisyon ng Korte Suprema, idineklarang unconstitutional ang curfew hours ng Navotas at Maynila, makaraang mabigong magbigay ng sapat na paliwanag ang dalawang lungsod kung bakit kailangan ng curfew sa lugar.
Facebook Comments