Navotas Mayor Toby Tiangco, hindi pabor na ilihim sa mga babakunahan ang brand ng COVID-19 vaccines na ibibigay sa kanila

Hindi pabor si Navotas City Mayor Toby Tiangco na ilihim sa mga babakunahan ang brand ng COVID-19 vaccines na ibibigay sa mga ito.

Ayon kay Tiangco, magreresulta ang nasabing direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit (LGU) sa pagkawala ng tiwala ng tao sa vaccination program.

Hindi rin aniya maiiwasan na magkaroon ng information leak sa kung ano ang gagamiting bakuna sa mga vaccination site lalo pa at inihahanda ang mga ito bago ang vaccination procedure.


Karapatan din aniya ng bawat indibidwal na malaman kung ano ang bakunang ituturok sa tao.

Dagdag pa ng alkalde, hindi naman aniya naging problema ang pila ng tao noong gumamit ang lungsod ng Pfizer vaccines dahil mayroong pre-scheduling sa pagpapabakuna ng Pfizer vaccines at hindi pinapayagan ang walk-in.

Kaya aniya, ang tamang pag-manage ng vaccine rollout din aniya ang solusyon.

Kaugnay nito ay plano ng alkalde na magsumite ng request for reconsideration sa oras na matanggap nito ang pormal na utos mula sa DILG.

Facebook Comments