NAWAWALA | Isang estudyante na tinangay ng isang miyembro ng LGBT sa Eastern Samar, patuloy na pinaghahanap

Samar – Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang isang estudyante na nawawala matapos tangayin ng isang LGBT sa Eastern Samar.
Kinilala ang nawawalang estudyante na si Erlinda Waniwan Acid, 18-anyos at residente ng barangay Buenavista, Quinapondan.
Ayon sa nanay ng studyante na si Imelda, hindi na nakauwi ang kanyang anak matapos itong pumunta sa eskwelahan dahil dinala raw ito ng isang tomboy na kinilalang si Christine Joy Zapata alyas “Tintin”.
Napag-alaman na mahigit isang linggo nang nawawala ang nasabing estudyante kaya’t hanggang ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang lokasyon ni alyas “Tintin”.

Facebook Comments