NAWAWALANG EMPLEYADO NG CVMC, NATAGPUANG PATAY SA INUUPAHANG KWARTO

Cauayan City, Isabela- Bangkay na nang matagpuan ang nawawalang babaeng health medical worker ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na si Ma. Jennifer Suzette Oñate y Racadio, 27 anyos, may-asawa, empleyado ng CVMC, tubong Gattaran, Cagayan at nangungupahan sa isang apartment sa Tumanguil Street, Carig Sur, Tuguegarao City.

Natagpuan mismo ang biktima sa kanyang apartment sa lungsod ng Tuguegarao.

Unang naiulat na nawawala ang biktima noong araw ng Sabado matapos na hindi siya makontak ng kanyang asawa na kinilala namang si Renz Oñate, agad naman niya itong ipinagbigay alam sa mga awtoridad.

Base sa impormasyong nakalap ng iFM Cauayan, pasado alas 5:00 ng hapon kahapon nang matagpuan ang biktima na nangangamoy na at nakabalot pa sa kumot na nakasilid sa isang karton at itinago sa ilalim ng kama ng katabing kwartong kanyang inuupahan.

Sa inisyal ng imbestigasyon, napag alaman na ang kwarto kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima ay inuupahan ng isang nagngangalang Vilfred Carodan y Columbano, 31 years old, kasama ang kanyang live-in-partner na si Xyzerlyn Areola Evangelista kapwa tubong Barangay Smart, Gonzaga, Cagayan na sila ngayon ang subject ng imbestigasyon.

Natagpuan din sa kanilang kwarto ang isang luggage bag na naglalaman ng mga kagamitan ng biktima kabilang na ang saplot ng biktima na may bahid ng dugo.

Tinukoy di umanong suspek nang kapulisan si Carodan at agad na nagkasa ng hot-pursuit operation ang operatiba at agad itong nadampot sa #10 Lasam Street, Barangay Smart, Gonzaga, Cagayan.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa pagsisiyasat at tamang disposisyon habang ang labi ng biktima ay nakalagak na sa isang funeral homes sa Lungsod ng Tuguegarao.

TAGS : CVMC, Ma. Jennifer Suzette Oñate, Valley Medical Center (CVMC), 98.5 ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon,

Facebook Comments