NBA | Brooklyn Nets, pinadapa ng San Antonio Spurs

NBA – Umiskor ng 21 points ang nagbabalik na si Kawhi Leonard para padapain ng Spurs ang Brooklyn Nets sa score na 109-97.

Sinundan pa siya ni Lamarcus Aldridge na nagtala ng 20 points para ibigay sa Spurs ang kanilang ika-dalawampu’t apat na panalo sa NBA.

Si Allen Crabbe naman ay nagrehistro ng labing limang puntos para sa koponan ng Brooklyn.


Facebook Comments