NBA | Golden State Warriors, panalo kontra Phoenix Suns; 117-110

Amerika – Bumangon sa dalawang sunod na pagkatalo ang Golden State Warriors sa kanilang laban kontra Phoenix Suns sa NBA.

Tinalo ng Warriors ang Suns sa score na 117-110 kung saan nanguna sa panalo ng Golden State si Klay Thompson na mayroong 34-points.

Ito na ang ika-15 sunod na pagkakataon na nanalo ang Warriors sa Phoenix kaya at nakapagrehistro sila ng franchise record hinggil dito.


Sinabi ni Warriors coach Steve Kerr, kaya niya pinasok ang mga starters nito tulad nina Thompson, Kevin Durant at Draymond Green sa nalalabi nilang mga laban ay para maiwasan ang posible pang mga health issues ng mga ito lalo na at nalalapit na ang NBA playoffs.

Facebook Comments