NBA Hall of Famer at one-time league MVP na si Wes Unseld, pumanaw na sa edad na 74

62

Pumanaw na ang National Basketball Association (NBA) Hall of Famer at one-time league MVP na si Wes Unseld sa edad na 74.

Ayon sa kanyang pamilya, marami ng nararamdamang sakit si Unseld kabilang ang pneumonia.


Si Unseld ay naglaro sa Baltimore, Capital at Washington franchise sa loob ng labintatlong season mula 1968 hanggang 1981 at itinanghal na finals MVP noong 1978.

Napasama rin sa Naismith Hall of Fame si Unseld noong 1988 at kasalukuyang naglilingkod bilang coach ng isang pribadong paaralan sa West Baltimore, Maryland.

Facebook Comments