NBA – Ipinasok ni Al Horford ang game winning hook shot para ikasa ang comeback win ng Boston Celtics kontra Houston Rockets sa score na 99-98.
Bumida si Kyrie Irving na nagtala ng 26 points at sinundan naman siya ng 19 points ni Jayson Tatum para sa Celtics.
Naging susi rin ng Celtics ang hustle play ni Marcus Smart matapos niyang mai-draw ang dalawang offensive foul laban kay James Harden sa huling segundo ng laban.
Si James Harden naman ay nagtala ng double-double 34 points at 10 assists para sa Rockets.
Facebook Comments