NBA | Houston Rockets, sisikaping makuha ang ika-dalawang sunod na panalo kontra Utah Jazz

NBA – Pinaghahandaan na ng Houston Rockets ang posibleng pag-resbak ng Utah Jazz sa game 2 ng kanilang western conference semifinals series.

Ayon kay Rockets Coach Mike D’antoni, siguradong malaking adjustments ang gagawin ng Jazz para makuha ang panalo lalo na at magaling din gumawa ng mga defense at offensive plays ang coach nito na si Quin Snyder.

Aminado din siya na hindi naging madali ang pagkuha nila ng panalo noong game 1 sa score na 110-96 kung saan naging pisikalan ang laro.


Mapapanood naman mamayang alas-8:00 ng umaga ang laban sa homecourt pa rin ng Houston.

Facebook Comments