NBA | Klay Thompson at Andre Iguodala ng GSW, hindi pa sigurado kung makakalaro

NBA – Hindi pa sigurado ngayon kung makakapaglaro sa game 5 western conference finals si Golden State Warriors Forward Andre Iguodala at Klay Thompson.

Ito ay kahit na bumubuti na ang kalagayan ng kaliwang tuhod ni Iguodala na nagtamo ng injury noong game 3 kontra Houston Rockets.

Wala din kasiguraduhan kung maglalaro si Klay Thompson dahil nagkaroon ito ng sprain sa kaliwang tuhod noong game 4.


Mapapanood naman mamayang alas-9:00 ng umaga (oras sa Pilipinas) ang game-5 ng Warriors at Rockets.

Facebook Comments