GRADUATE NA | Jolo Revilla – nagtapos na sa kolehiyo

57

Manila, Philippines – College Graduate na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Kahapon nang magtapos ng kursong Bachelor of Arts in Legal Studies sa Lyceum of the Philippines University ang actor-turned-politician.

“better late than never” ika nga.

Inalay ni Jolo ang kanyang tagumpay sa pag-aaral sa kanyang ina at advanced father’s day gift raw niya ito sa ama niyang si dating Senador Bong Revilla.

Sa larawang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account, nangako si Jolo na magsisilbi siya sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng accessible education sa lahat.

Lumang tugtugin man daw, pero para kay Jolo, edukasyon ang talagang susi para wakasan ang kahirapan.

Facebook Comments