NBA | Mental health wellness program, ilulunsad ng NBA at player’s union nito

NBA – Nagtulungan ngayon ang pamunuan ng NBA at player’s union para isagawa ang mental wellness program para sa mga atleta na nakakaranas ng problema o kalituhan sa kanilang pag-iisip.

Mismong sina Toronto Raptors Demar De Rozan at Cleveland Cavaliers Kevin Love ang siyang mangunguna sa pagpapakilala ng mental health program sa pamamagitan ng public service ads at social media para ma-engganiyo ang katulad nilang manlalaro na maging parte o sumailalim dito.

Sinabi pa nina Derozan at Love na hindi madali para sa isang athlete na makarekober kapag mental issue na ang napapag-usapan lalo na ngayong marami ang sumusulpot na players na galing sa ibang bansa na nalalayo naman sa kanilang pamilya.


Facebook Comments