NBA | Miami Heat, pinahiya ang New Orleans Pelicans, 102-96

New Orleans – Umiskor si Josh Richardson ng 22 points para ipalasap sa Pelicans ang ika-16 nitong talo sa liga.

Nag-ambag pa si Dwyane Wade ng 19 points at 17 points kay Hassan Whiteside para umabante ang Heat.

Hindi naman sapat ang 27 points 12 rebounds at 7 assists ni Anthony Davis para sa Pelicans.


Sa ibang laro, Pinadapa ng Washington Wizards ang Los Angeles Lakers sa score na 128-110.

Bumida sa laban si John Wall na nagbagsak ng 40 points para sa Wizards.

Facebook Comments