NBA | Nuggets, nilampaso ang Lakers

75

Isang balanseng opensa at matinding depensa ang inilatag ng Denver Nuggets para pakainin ng alikabok ang Los Angeles Lakers, 117-85.

Anim na Nuggets ang umiskor sa double figures para maitala ng koponan ang kanilang ika-labing apat na panalo sa 21 isang panalo.

May team high 20 points at 11 rebounds si Paul Millsap habang may 20 markers naman si Jamal Murray para sa Denver.

May 21 points naman si Kyle Kuzma para sa Lakers na nasalap ang kanilang ikawalang sunod na talo at bumagsak sa 11-9 record.

Wala naman sa hulog ang laro ni LeBron James na umiskor lamang ng 14 points, 7 rebounds at apat na turnovers.

Nag-ambag naman ng 14 points si Brandon Ingram para sa Lakers.

Facebook Comments