NBA Orlando Magic, tinambakan ang Cleveland Cavaliers, 120-91

34

Hindi nakapalag ang Cleveland Cavaliers matapos tambakan ng Orlando Magic sa laban nila sa NBA Western Conference sa iskor na 120 – 91.

 

Namayagpag ang Magic matapos malamangan ang Cavs sa lahat ng quarters.


 

Humataw sa pagpasok ng 21 points si Magic forward Aaron Gordon at 20 puntos para kay Dj Augustin.

 

Nabalewala naman ang 23 points, 4 rebound at 3 assists ni Collin Sexton ng Cavs.

 

Nasa pang-siyam na pwesto ang Magic habang nananatili pa rin ang Cavs sa pag-labing apat.

Facebook Comments

From Advertisers