NBA | Philadelphia 76ers, nasungkit ang ika-14 sunod na panalo laban sa Dallas Mavericks

26

Amerika – Nasungkit ng Philadelphia 76ers ang kanilang ika-14 sunod na panalo laban sa Dallas Mavericks.

Tinalo ng Sixers ang Mavs sa score na 109-97 at nanguna sa panalo ng Philadelphia si Ben Simmons na may 16-points at 9-assists kung saan hindi pa rin nakalaro ang kanilang all star player na si Joel Embid na may problema sa kaliwang mata.

Dahil sa panalo, umangat sa ikatlong pwesto ng eastern conference ang Sixers hawak ang 50-30 win/loss record at naungusan na nito ang Cleveland Cavaliers.

Facebook Comments