Iho-host ng Seattle ang pinakauna nitong NBA game, 10 taon matapos na lumipat ang Seattle Supersonics sa Oklahoma City.
Matatandaang pagkatapos ng 2007-2008 season lumipat ang koponan sa Oklahoma City at pinalitan ang kanilang pangalan bilang Oklahoma City Thunder.
Simula noon, hindi na napanood nang live ng Seattle fans si Kevin Durant na nakasungkit noon ng 2007-2008 NBA rookie of the year.
Nitong Pebrero nang mapabalita ang posibilidad na ganapin sa Seattle ang preseason game ng NBA.
Buena manong maglalaro sa Key Arena ang Golden State Warriors at Sacramento Kings sa October 5.
Taong 1967 nang mabuo ang Supersonics sa Seattle, Washington na nakasungkit ng isang NBA title noong 1978-79 season at dalawang Western Conference Championships noong 1977-78 at 1995-96 season.