NBA | Vince Carter, nangangarap pa ring makabalik sa Toronto Raptors

NBA – Kahit maituturing na “senior citizen” na siya sa larong basketball, umaasa pa rin si dating slam dunk champion at Rookie of the Year Vince Carter na muling makakapaglaro sa Toronto Raptors.

Naglaro si Carter para sa Toronto mula 1998 hanggang 2005 bago siya ipinagpalit sa New Jersey Nets.

Kuwarenta anyos na si Carter ngayon pero hindi pa rin nawawala ang posibilidad na makabalik siya sa Raptors dahil isang season lang ang kontrata niya sa Sacramento Kings.


Samantala wagi ang Toronto kontra Sacramento 108-93.

Panalo rin ang Detroit laban sa Orlando, 114-110.

Naungusan naman ng Cleveland ang Washinton, 106-99 at

Nakaisa ang Indiana sa Brooklyn, 109-97.

Facebook Comments