NBI AGENT, ARESTADO SA PAGPAPAPUTOK NG BARIL SA CAGAYAN

Aresto ng mga awtoridad ang isang NBI agent matapos magpaputok ng baril sa Brgy. Gadu, Solana, Cagayan kamakailan.

Kinilala ang suspek na si alyas Lambert, 61 anyos, may asawa, negosyante, NBI agent, at residente ng Brgy. Gadu, Solana, Cagayan.

Ayon sa PNP Solana, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa walang habas na pagpapaputok ng isang lalaki sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, nagkaroong ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng suspek at dalawa complainants kung saan na ito nagpakilala bilang isang NBI Agent at biglang binunot ang kanyang baril at nagpaputok.

Ang dalawang complainant ay kinalala namang sina alyas Dave, 37 anyos, may asawa, delivery helper at alyas Leonard, 42 anyos, binata, empleyado ng LGU Solana; at parehong mga residente ng nabanggit na barangay.

Agad naman nagtungo ang mga tauhan ng PNP Solana sa nasabing lugar at inaresto ang suspek.

Nakumpiska rin mula sa pag-iingat ng suspek ang isang unit ng cal. 45 na may serial number na P1905911 na puno ng pitong bala sa magazine nito. Narekober din sa lugar ang isang empty shell ng cal. 45.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong may paglabag sa RA 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments