NBI, blangko pa rin sa gunman na sinasabing kinausap ni VP Sara sa assassination plot

Wala pa ring impormasyon ang National Bureau of Investigation o NBI sa pagkakakilanlan ng gunman o hitman na sinasabing kinausap ni Vice President Sara Duterte para i-assassinate sina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, itinanong nila sa kanilang inimbitahang vloggers at media personalities ang tungkol sa nasabing hitman subalit wala ring impormasyon na naibigay ang mga ito.

Sinuyod din aniya nila ang kanilang preserved video ng online press conference ni VP Sara baka sakaling nadaanan ng camera ang posibleng hitman.


Tiniyak namn ng NBI na patuloy ang kanilang paghahanap ng impormasyon hinggil dito.

Facebook Comments