
Para sa tatlong lider ng Kamara, lalo ngayong lumakas ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte makaraang irekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasuhan ito kaugnay sa pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ayon kay Assistant Majority Leader and Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon na kabilang sa 11-man House Prosecution Panel, isa itong positive development at nagpapatibay sa kanilang paninindigan na may ginawa talagang criminal acts ang bise presidente
Inaasahan naman na ni Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V ang hakbang ng NBI dahil base sa mga lumabas na video ay hindi maipagkakaila na pinagbantaan talaga ni VP Sara ang buhay ng pangulo.
Pinuri naman ni Assistant Majority Leader at Manila 1st District Rep. Ernix Dionisio Jr. ang mahusay na pagtupad ng NBI sa tungkulin nito.