NBI, handang imbestigahan ang pagpatay sa dating alkalde ng Medellin, Cebu

Handa ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpatay sa dating alkalde ng Medellin, Cebu na si Ricky Ramirez.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra – hahayaan muna nila ang Philippine National Police (PNP) na magsiyasat sa kaso.

Pagtitiyak ng kalihim na ang Regional NBI Office ay handang tumulong kapag kinakailangan.


Si Ramirez ay pinaslang nitong Martes habang naka-confine sa Bogo-Medellin Medical Center.

Lumabas sa paumang imbestigasyon ng pulisya, hindi lalagpas sa 15 kalalakihan na nakasuot ng bonnet bitbit ang mga rifle ang pumasok sa ospital lulan ng tatlong SUV at isang Sedan.

Ang jail officer na si Renan Pableo at kasintahan ng anak ng mayor ay nasa loob ng kwarto kung saan nangyari ng insidente pero nakaligtas.

Si Ramirez ay idinawit sa illegal drug trade at naaresto sa kanyang bahay noong July 26, 2017 at isinailalim sa hospital arrest.

Facebook Comments