
Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na naglabas ng commitment order ang isang korte sa Maynila na nag-aatas sa kanila na ilipat si dating Cong. Arnolfo Teves Jr. sa Manila City Jail.
Ito ay mula sa detention facility ng NBI sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Gayunman, sinabi ni Santiago na hindi muna nila susundin ang utos ng korte dahil marami aniyang kaso sa iba’t ibang korte sa Maynila si Teves.
Bukod dito, hinihintay rin anila nila ang magiging desisyon ng hukuman sa kahilingan ng kampo ni Teves na i-consolidate o pag-isahin na lamang ang mga kaso nito sa mga korte sa Maynila.
Tiniyak naman ni Santiago ang proteksyon kay Teves habang nasa kustodiya ito ng NBI.
Handa rin ang NBI na mag-deploy ng isang batalyon na mga tauhan na mag-eescort kay Teves bukas sakaling hindi payagan ng Manila court ang kahilingan ng kampo ng dating kongresista na via zoom lang ito dumalo sa arraignment bukas.









