MANILA – Kumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na patay na ang KOREAN businessman na si Ji Ick Joo na dinukot sa Pampanga noong Oktobre.Sa tulong mga impormante, natunton ng nbi kung saan dinala ang Koreano.Ayon kay NBI task force against illegal drugs chief Ruel Bolivar – kinilala mismo ang biktima ng mga tauhan ng punerarya sa Caloocan nang ipakita ang larawan ni Ji.Anya, dinala sa nasabing punerarya ang labi ni Ji noon ding October 18 kung kailan ito dinukot.Dahil dito – sinabi ni NBI Anti-Illegal Drugs Task Force Atty. Ross Jonathan Galicia – itinuturing nang person of interest ang may-ari ng punerarya na wala sa bansa ngayon.Inaalam din ng Nbi kung sino ang nagbayad ng P30,000 cash para sa pagproseso sa labi ni Ji bago pa man ito dalhin sa punerarya.Samantala , habang wala pang arrest warrant ay nasa protective custody ng NBI si SPO3 Ricky Sta. Isabel na umanoy sangkot sa pagdukot sa Koreanong dayuhanUna nang sinabi ng PNP Chief na may mga padrino si Sta. Isabel na mga retiradong PNP generals.Ngayong araw, nakatakdang makipagpulong ang NBI sa maybahay ng biktima at mga kinatawan ng Dept. of Foreign Affairs.
Nbi – Kinumpirmang Patay Na Ang Negosyanteng Koreano Na Dinukot Noong Oktobre
Facebook Comments