Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na makikipag-usap na sila sa International Police Organization o InterPol kaugnay sa kinaroroonan ni Congressman Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, magaganap ang pulong sa ibang bansa pero hindi nito tinukoy kung saan.
Aniya, ipapaalam ng National Bureau of Investigation (NBI) sa InterPol na may personalidad na iniimbestigahan sa Pilipinas dahil sa pagkakasangkot sa krimen.
Bunga nito, awtomatiko aniyang magkakaroon ng karapatan ang InterPol na kwestyunin si Teves kahit saang bansa man ito pumasok.
Tumanggi naman si Remulla na kumpirmahin ang balitang nasa Cambodia si Teves.
Facebook Comments