NBI, mayroon ng paunang resulta ng imbestigasyon sa naging engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at pulis sa Mindanao

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nakapagsumite na ng initial investigation report ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkapatay ng siyam (9) na pulis sa apat (4) na sundalo sa Mindanao kamakailan.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, naglalaman ang report ng accounts ng 10 testigo, forensic findings ng medico legal at ballistic experts.

Kasama rin sa isinumite ang affidavits ng pamilya ng mga namatay na army intelligence officer.


Ayon sa kalihim, malinaw sa ballistic report na ang mga basyo ng bala at slugs na natagpuan sa pinangyarihan ng insidente ay tumugma sa baril ng police officers na sangkot sa insidente.

Ang bullet wounds naman aniya ay karamihang nasa likod ng mga biktima.

Lumalabas din sa inisyal na report na ang isang sundalo ay nagtamo ng walong tama ng bala.

Facebook Comments