
Nilinaw ni National Bureau of Immigration o NBI Director Jaime Santiago na walang ibang personalidad na dawit sa mga reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Santiago, tanging si VP Sara lamang ang sinampahan ng mga reklamong inciting to sedition at grave threats.
Paliwanag ni Santiago na ang vloggers at media personalities na kanilang pinatawag noon ay kanila lamang hiningian ng pahayag at hindi isinama sa naturang reklamo.
Inamin naman ni Santiago na ang pinagbasehan lamang nila sa inihaing mga reklamo ay ang online press conference na kanilang nai-preserve.
Kumuha rin aniya sila ng iba pang basehan sa mga naging pahayag ng mga nakadalo sa online presser tulad ng mga vloggers at iba’t ibang media personalities.
Iginiit naman ni Santiago na solido ang kanilang reklamo laban sa pangalawang pangulo lalo na’t katuwang niya ang limang abugado sa pag-aaral sa reklamo.