
Bibigyang parangal ng Manila Overseas Press Club o MOPC ang mga natatanging mamamahayag ngayong gabi sa Fairmont Ballroom, Makati City.
Ang MOPC ang kauna-unahan at pinakamatandang press club sa Asya.
Ilan sa mga kikilalanin ay ang mga personalidad mula sa telebisyon, radyo, at print media.
Kasama rito si Atty. Ruphil Bañoc ng RMN DYHP Cebu na pararangalan bilang Radio Broadcaster of the Year, Philippine South, 2024-2025.
Nasungkit ni Atty. Ruphil ang pagkilala dahil sa kaniyang higit 21 taon pagpapakita ng husay bilang journalism professor, kolumnista at radio broadcast executive, commentator at host patungkol sa mahahalagang isyu sa katimugang bahagi ng bansa.
Si Atty. Ruphil ay napapakinggan sa programang Straight to the Point ng DYHP Cebu, mula Lunes hanggang Sabado, alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga.
Sa ngayon ay present na dito sa event si RMN Chairman at CEO Eric Canoy na siya ring pangulo ng MOPC.
Magiging panauhing pandangal din si Presidential Communications Office acting Secretary Cesar Chavez.