
Inaalam pa ng Department of Justice (DOJ) at National Prosecution Service kung natanggap na nila ang kopya ng rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kaso si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, maglalabas sila ng pahayag kapag may kopya na sila ng reklamo.
Kanina nang kumpirmahin ni NBI Director Jaime Santiago na inirekomenda na ang pagsasampa ng reklamong inciting to sedition at grave threats dahil sa pagbabanta umano ni VP Sara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Ayon naman kay Prosecutor General Anthony Fadullon, inaalam pa nila sa docket kung may natanggap nang mga dokumento.
Sakali namang may kopya na ay pag-aaralan muna ito upang masigurong kumpleto ang mga ebidensiya.