NBI, papasok na sa imbestigasyon sa manipulasyon sa supply at presyo ng mga karne

Papasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon kaugnay ng sinasabing manipulasyon ng ilang mga negosyante sa supply at presyo ng mga karne at ng ilang mga pagkain.

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra si NBI OIC Eric Distor na ang magsasagawa ng imbestigasyon at case build up.

Partikular sa paglabag ng ilang negosyante sa RA 7581 o Price Act at sa RA 3815 ng Revised Penal Code partikular sa Article 186 hinggil sa Monopolies and Combinations in Restraint of Trade.


Inatasan din ni Guevarra ang NBI na agad na magsampa ng kaso laban sa mga mapagsamantalang negosyante oras na may makita silang ebidensya.

Inatasan din ng kalihim ang NBI na magsumite ng kanilang report sa Office of the Secretary hinggil sa development ng kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments