NBI, pinakilos na ni Justice Sec. Menardo Guevarra para imbestigahan ang pananambang sa isang piskal sa Maynila

230

Inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pananambang kanina sa isang piskal sa Paco, Manila.

Kinondena rin ni Guevarra ang naturang pamamaslang kay Jovencio Senados, residente ng Calamba, Laguna.


Maging si Prosecutor General Benedicto Malcontento ay nagpahayag din ng pagkondena sa pagpatay kay Prosecutor Senados at tiniyak nito na gagawin ng Department of Justice (DOJ) ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pamamaslang sa kanilang kabaro.

Sakay ng kaniyang SUV nang pagbabarilin si Senados sa Quirino Avenue Corner Anakbayan St., Paco, Manila kaninang umaga.

Ayon kay Capt. Henry Navarro ng Manila Police Dictrict -Homicide Division, kinukunan na rin nila ng salaysay ang driver ng piskal na nakaligtas sa krimen.

Si Fiscal Senados ay dating Chief Inquest Prosecutor ng Maynila.

Facebook Comments