Pulis na nakatalaga sa PNP-HPG, huli sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Pampanga

71

Naaresto ng mga tauhan Drug Enforcement Unit ng Mabalacat Police Station ang kanilang kabaro sa ikinasang Anti-Illegal drug operation sa Brgy. Sapang Biabas, Mabalacat City Pampanga.

Kinilala ang naarestong pulis na si Francisco Ganao alyas ‘Francis’, 47-anyos, aktibong miyembro ng Philippine National Police na kasalukuyang nakatalaga sa Highway Patrol Group sa Camp Crame Quezon City.


Sa ulat ng Mabalacat Police Station, ikinasa ang buy-bust operation sa main entrance gate ng Metro Clark Subdivision kung saan nahuli ang suspek.

Nakuha sa kanya ang tatlong sachet ng shabu, P7,500 marked money, cellphone.

Narekober din sa pulis na suspek ang isang Caliber 45 na may serial number 90017 na kargado ng anim na live ammunition at isang motorsiklo.

Sa ngayon, nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang suspek na pulis.

Facebook Comments