Cauayan City, Isabela- Itinuturing ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) Cagayan na isang malaking tulong ang “No Barangay and No Town Left Behind” program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan para masugpo ang insurhenisya sa buong lalawigan.
Ang “No Barangay and No Town Left Behind” program ay pinamumunuan ni Governor Manuel Mamba na layong maibaba at maipababot ang tulong sa lahat ng barangay at munisipalidad sa probinsya upang mabantayan at mailayo sa makakaliwang grupo ang mamamayan sa Lalawigan.
Ito’y sa kadahilanang madalas na rason ng mga taong umaanib sa kilusan ng mga rebelde ay ang kahirapan.
Sa ilalim ng naturang programa ng Gobernador na magsagawa ng infrastructure projects gaya ng farm-to-market roads at mga tulay ay magbibigay suporta sa End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) Program ng national government.
Matatandaan na tanging ang Lalawigan lamang ng Cagayan ang tumanggap ng tulong mula sa National Task Force ng ELCAC sa buong rehiyon dahil sa pangunguna at inisyatibo ng alkalde sa pagsugpo ng insurhensiya sa probinsya.